Isa sa mga patuloy na pinahahalagahan ng Bayan ng Naic ay ang kapakanan ng ating mga nakatatanda. Sa isinagawang National Social Pension Face-to-Face Validation sa Naic Town Plaza ngayong Miyerkules, Hulyo 29, 2026, siniguro ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang na maayos ang daloy ng programa at ang tamang pagbibigay ng serbisyo sa mga senior citizen na dumalo sa validation.
Sa pamamagitan ng prosesong ito, natitiyak na ang mga benepisyo ay naaabot ng mga senior citizen na tunay na kwalipikado.



