Sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, matagumpay na isinagawa ang 4th Quarter 2025 Joint Solid Waste Management Board and Manila Bay Team Meeting nitong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025, sa Triple 8, Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Pinangunahan ni Michael Caesar Alcantara, OIC ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), ang pagpupulong na dinaluhan nina Dra. Maria Carolina P. Matel, Municipal Health Officer ng Naic, at mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard, MDRRMO, Municipal Councilor Rodrigo "Rod" Castillo bilang Miyembro ng Solid and Liquid Waste Management, at iba pang kasapi ng board.

Mga tinalakay

  • Status of the Safe Closure and Rehabilitation Plan (SCRP)
  • Waste Collection Schedule and Updates
  • Compliance sa RA 9003 at RA 9275

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng disiplina, kooperasyon, at tamang pamamahala ng basura upang mapanatili ang malinis at maayos na kapaligiran para sa lahat ng Naicqueño.