Matagumpay na isinagawa ang Training on Parliamentary Procedure and Policy Development para sa mga Farmer Associations, Fisherfolk Associations, Rural Improvement Club (RIC), at 4H Club noong Miyerkules, Nobyembre 5, 2025, sa Provincial Fisheries Office – Cavite, Barangay Bucana Malaki, Naic, Cavite.
Layunin ng training na ito na mabigyan ng kasanayan ang mga kalahok sa paggawa ng mga patakaran at programang makatutulong sa maayos na pamamalakad ng kanilang samahan. Sa bahagi ng parliamentary procedure, itinuro rin ang tamang daloy ng pagpupulong upang mapaunlad ang partisipasyon at maayos na pagpapasya sa bawat samahan sa bayan ng Naic.



