Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Social Pension Program para sa higit dalawang libong senior citizens ng Bayan ng Naic nitong Martes, November 4, 2025 sa Waltermart, Brgy. Sabang, Naic, Cavite.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang bahagi ng patuloy na programang nagbibigay suporta at malasakit sa ating mga nakatatandang Naicqueño.
Isang munting paraan upang maipadama ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan Ng Naic ang pagkalinga at pagmamahal sa mga Naicqueñong senior citizens.



