Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Naic Arbor Day, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang "Isang Puno, Isang Kinabukasan" Tree Planting Activity sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) noong Biyernes, Hulyo 3, 2026, sa Convento Bridge, Barangay Malainen Bago.
Simbolo ng bawat puno
Ang bawat punong itinanim ay simbolo ng ating sama-samang pangako na pangalagaan ang kalikasan at bumuo ng mas luntian at mas matatag na Bayan ng Naic para sa susunod na henerasyon.



