Isang taos-pusong pagpupugay ang inihahandog ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa lahat ng guro ngayong Teachers' Day 2025. Kayo ang nagsisilbing haligi ng kaalaman at gabay ng kabataan, mga huwarang tagapaghubog ng pangarap at kinabukasan ng bawat Naicqueño.
Ang inyong malasakit, tiyaga, at dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi sa buong Bayan ng Naic. Maraming salamat sa inyong sakripisyo at walang kapantay na kontribusyon para sa kinabukasan ng ating komunidad.
Maligayang Araw ng mga Guro!
