Matagumpay na isinagawa ngayong umaga ang Regular Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pangunguna ng ating Municipal Agricultural and Biosystems Engineer Office, kasama ang kanilang OIC, Municipal Agriculturist Engr. Elma T. Valenzuela.
Tampok sa programa ang makabuluhang sayaw-interpretasyon ng Himno ng Naic na ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Pueblo Del Mar National High School, bilang simbolo ng pagmamahal at pagkakaisa ng bawat Naicqueno.
Nagbahagi rin ng inspirasyonal na mensahe si Yorme Rommel Magbitang, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sama-samang pagsusumikap tungo sa mas progresibong Naic.



