Sa loob ng isang linggo, nakita natin kung paano nagtulong-tulong ang ating Mayor Rommel Magbitang at ang buong Pamahalaang Bayan ng Naic para sa Comprehensive Development Planning Workshop.

Hindi lang ito basta meeting, ito ay isang malalim na pag-aaral at pagtutulungan para mas malinaw na mailatag ang mga plano ng ating bayan.

Alinsunod sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991, tungkulin ng bawat lokal na pamahalaan na bumuo ng Comprehensive Development Plan (CDP) — at sa Naic, siniseryoso ito ng ating mga lider.