Muling bubuksan ang Voter Registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Office of the Election Officer (OEO) - GSO Building, mula Lunes, Oktubre 20, 2025 hanggang Lunes, Mayo 18, 2026.

Maaaring pumunta tuwing Lunes hanggang Sabado (kahit holiday), mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, para sa mga serbisyong tulad ng mga sumusunod:

  • Bagong registration
  • Paglipat ng rekord
  • Reactivation
  • Pagwawasto o pagbabago ng impormasyon
  • Pagdagdag o pagbabalik ng rekord
  • Pag-update para sa mga PWDs, senior citizens, at katutubong komunidad

Huwag papahuli sa pagkakataong ito. Gawin mong malakas ang iyong boses sa komunidad!

Ang Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, ay buong sigasig na nananawagan sa iyo na magparehistro na ngayon at maging bahagi ng pagbabago.