Cavite Treasurers' League Monthly Conference naging makabuluhan.

Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, matagumpay na isinagawa ang Cavite Treasurers' League Regular Monthly Conference na dinaluhan ng mga City at Municipal Treasurers mula sa iba't ibang bayan ng Cavite. Ginanap ito noong October 17, 2025, sa Triple 8, Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Kasama ni Yorme sa pagtitipon sina Municipal Administrator Atty. Rodolfo Uy III at Municipal Treasurer Ailysse Camille Penus, na kapwa nagpahayag ng suporta sa layuning mapalakas ang transparency at efficiency sa pamamahala ng pondo ng bayan ng Naic.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang paksa tulad ng Online Payment Systems, ARIVATAS Regional Conference, Reporting of Trust Fund, at BLGF Updates, na naglalayong paigtingin ang modernisasyon at kaayusan sa mga sistema ng pananalapi sa lokal na pamahalaan.

Patunay ito ng patuloy na pagtutok ni Yorme Rommel Magbitang at ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagtataguyod ng responsableng pamamahala, integridad, at mahusay na serbisyo publiko para sa bawat Naicqueño.