Matagumpay na naisagawa ang Municipal Training for Learning Resource Validators sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, noong Huwebes, October 16, 2025.

Layunin ng programa na patuloy na pataasin ang kakayahan ng mga Learning Resource Validators upang matiyak ang mataas na kalidad ng mga kagamitang panturo at mapatatag ang pundasyon ng edukasyon sa Naic.

Sa kanyang mensahe, binigyang-pugay ni Yorme Magbitang ang mga dumalo at hinikayat silang ipagpatuloy ang pagkatuto at pagtutulungan para sa ikabubuti ng kabataang Naicqueño.