Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral at guro ng paaralan, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) bukas, Martes, Agosto 11, 2026, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga paaralang ginamit bilang evacuation centers ng mga naaapektuhan ng habagat.

Magpapatuloy ang klase sa darating na Miyerkules, Agosto 12, 2026.

Bagamat walang face-to-face classes, pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral at matutugunan ang kanilang mga learning competencies, alinsunod sa DepEd Order No. 022, s. 2024.

Sa mga kabataan, gamitin ang araw na ito nang produktibo: mag-aral, magbasa, tumulong sa mga gawaing bahay, at patuloy na matuto kahit wala sa silid-aralan.

Paalala para sa mga Naicqueños

  • I-check ang mga anunsyo mula sa opisyal na Facebook page.
  • Ihanda ang emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga nangangailangan ng espesyal na pangangalaga.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutang isama sa paglikas ang ating mga alagang hayop kung kinakailangan.

Mga emergency hotline

  • MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
  • PNP Hotline: 0998-598-5621
  • BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753