Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 mula sa Office of the President, ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Naic na magkakaroon ng work-from-home (WFH) arrangement sa Lunes, Agosto 10, 2026, para sa lahat ng opisyal at empleyado ng munisipyo.
Dahil sa nasabing arrangement, inaasahan na magiging limitado ang mga regular na face-to-face na transaksyon sa ilang tanggapan ng munisipyo.
Para sa mga empleyadong naka-WFH, kinakailangang maging online, madaling makontak sa mga official communication channels sa oras ng trabaho, at magampanan ang mga naka-assign na gawain mula sa inyong mga Department o Office Heads.
Essential at Frontline Services
Upang masigurong tuloy-tuloy ang pagbibigay ng mga mahalaga at emergency na serbisyo sa ating mga kababayan, ang mga sumusunod na opisina ay pananatilihin ang kanilang on-site na operasyon:
- Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
- Municipal Health Office (MHO) / Rural Health Units (RHUs)
- Naic Traffic Management Office (NTMO)
- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
- Municipal Engineering Office (MEO)
- Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
- General Services Office (GSO)
- Public Market / Market Administration
- Municipal Agriculture Office at Municipal Veterinary Services
- Security, Public Safety, at iba pang Emergency Response Personnel
at iba pang opisina, units, o personnel na maaaring atasan ng Municipal Mayor, o ng kinauukulang Department Head.
Hinihikayat din ang publiko na i-reschedule na lamang sa mga susunod na araw ang mga hindi naman emergency na transaksyon sa munisipyo.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Maging ligtas ang lahat.
