Alinsunod sa inilabas na anunsyo ng DILG Philippines, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, sa mga rehiyong apektado ng Super Typhoon Uwan, kabilang ang Region IV-A, partikular ang lalawigan ng Cavite at ang Bayan ng Naic, mula bukas.
Iskedyul ng Suspensyon
- Lunes, Nobyembre 10, 2025: Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng paaralan, pribado at pampubliko. Suspendido rin ang pasok ng kawani ng pamahalaang lokal, maliban sa mga essential employees na kailangang magpatuloy sa kanilang serbisyo.
- Martes, Nobyembre 11, 2025: Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado, sa Bayan ng Naic.
Paalala para sa mga Paaralan
Kahit walang klase, inaabisuhan ang mga paaralan sa bayan ng Naic na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng mga mag-aaral.
Paalala sa Paglikas
Pinapayuhan ang lahat ng mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o pinakamalapit na evacuation center sa kanilang barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Paalala Para sa Lahat
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang mga alagang hayop sa bahay na ilikas kung kailangan.
Mga Emergency Hotline
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
- MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504
