Walang Pasok Advisory

Alinsunod sa abisong ipinalabas ng DILG Philippines, suspendido ang pasok sa lahat ng antas ngayong araw ng Lunes, September 1, 2025 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Naic.

Kasama rin sa suspensyon ng pasok ang lahat ng kawani ng pamahalaang lokal, maliban sa mga essential employees na kailangang magpatuloy sa kanilang serbisyo.

Bagamat walang klase, hinihikayat ang lahat, lalo na ang ating mga kabataan, na gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman.

Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

Paalala

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Emergency Hotlines

Office Numbers
MDRRMO Hotline 410-5725 / 0917-812-8186
PNP Hotline 0998-598-5621
BFP Hotline 0956-4830-226 / 0956-4830-753