Naganap ang Training Workshop on Financial Management (Accounting for Non-Accountant) na dinaluhan ng mga opisyal mula sa siyam na kooperatiba.

Pinangunahan ni Ms. Jacquilyn V. Lara, Senior Cooperative Development Specialist ng City of Imus, ang seminar na naglalayong turuan ang mga kalahok ng basic bookkeeping skills.

Layunin din ng workshop na matulungan ang mga cooperative officers na maunawaan, ma-interpret, at ma-analyze ang financial statements gamit ang mga pangunahing prinsipyo ng accounting.