Walang pasok

Dahil sa inaasahang patuloy na masamang panahon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) bukas, Lunes, Agosto 10, 2026.

Tuloy ang pag-aaral

Bagamat walang klase, tuloy ang pag-aaral. Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mangyari lamang na tayo ay mag-shift sa modular distance learning, upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.

At sa mga kabataan, gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Tandaan: Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

Paalala sa mga NaicqueΓ±o

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Emergency hotlines

Ahensya Numero
MDRRMO Hotline 410-5725 / 0917-812-8186
PNP Hotline 0998-598-5621
BFP Hotline 0956-4830-226 / 0956-4830-753