Nakikiisa ang Bayan ng Naic sa pagdiriwang ng 36th Civil Registration Month, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng civil registration sa buhay ng bawat Naicqueño. Mahalaga ang maayos na pagpaparehistro ng kapanganakan, kasal, at iba pang mahahalagang dokumento upang matiyak ang legal na pagkakakilanlan at karapatan ng bawat Naicqueño.
Sa pangunguna ng Office of the Municipal Civil Registrar, patuloy na isinusulong ang mas maayos, mabilis, at maaasahang serbisyong sibil para sa komunidad. Ang pagdiriwang na ito ay paalala ng kahalagahan ng tamang dokumentasyon bilang pundasyon ng maayos na pamamahala at serbisyong publiko sa Bayan ng Naic.
