Pambansang Buwan ng Sining 2026!
Ngayong Pambansang Buwan ng Sining, opisyal na kinikilala ng Municipality of Naic ang husay at talento ng ating mga lokal na artista na nagbibigay ng karangalan sa buong bayan ng Naic.
Layunin ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Naic na patuloy na pangalagaan at pagyamanin ang mga tradisyong ito. Ang pagpapahalaga sa sining at kultura ay mahalagang bahagi ng paglago at pagkakaisa ng bawat Naicqueño, at nagpapatibay sa ating pagkakakilanlan bilang isang matatag na bayan ng Naic.
