Buong galak na kinikilala ng Bayan ng Naic ang kahanga-hangang tagumpay ng mga estudyante mula sa Centro de Naic matapos makuha ang 4th Place sa ginanap na Division Festival of Talents noong February 2, 2026, sa Naic Municipal Hall.

Ipinapakita ng tagumpay na ito ang dedikasyon, tiyaga, at natatanging talento ng mga kabataang Naicqueño sa sining at malikhaing pagpapahayag. Patunay ito na patuloy na namamayagpag ang husay ng kabataan ng Naic, habang nananatiling matatag ang suporta ng pamahalaang bayan sa mga programang nagtataguyod ng kultura at sining.

Ang ganitong mga pagkilala ay nagbibigay inspirasyon sa mas marami pang kabataang Naicqueño na linangin ang kanilang kakayahan at makiisa sa pagpapayaman ng ating makulay na kulturang Naicqueño.