Mga Alituntunin para sa Annual Investment Program 2026 (AIP) ng Bayan ng Naic.
Sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, ang lokal na pamahalaan ng Naic ay nagsisimula na ng maagang paghahanda para sa Calendar Year 2026 Annual Investment Program (AIP).
Inatasan ni Mayor Rommel Magbitang ang lahat ng department heads, kabilang ang MDRRMC, Tourism Council, at iba pang sangay, na isumite ang kanilang final AIP sa Budget Officer at Planning and Development Coordinator.
Layunin ng hakbang na ito na masiguro ang maayos at planadong pagbabadyet para sa mga programa at serbisyong pangkomunidad, patungo sa mas progresibo at responsableng pamamahala sa Bayan ng Naic.



