Pagsulong ng masmagiting na seguridad sa bayan ng Naic.
Isang makabuluhang panukala ang iniharap ni PSSg Elmiro Napa sa isang courtesy call sa Bayan ng Naic.
Layon ng panukala na magtalaga ng "Marshal Multiplier" sa mga pangunahing lugar ng Pagsibol, Ciudad Nuevo, at Hills View.
Ang hakbang na ito ay nakatuon sa pagpapataas ng presensya at pagpapabilis ng pagtugon ng mga awtoridad, na may pangunahing layuning masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng mga nasasakupang lugar.
Ang mungkahing ito ay inaasahang magdudulot ng mas masiglang koordinasyon at proteksyon para sa lahat ng mga Naicqueño sa bayan ng Naic.
