Muling nagtipon ang buong Pamahalaang Bayan ng Naic para sa Flag Raising Ceremony noong Lunes, Setyembre 15, 2025.
Pinangunahan ito ng Accounting Office, sa pangunguna ng Municipal Accountant, Gng. Susan S. Martin.
Bilang bahagi ng programa, tampok din ang makabuluhang pagtatanghal ng mga estudyante mula sa Centro de Naic, na nagbigay ng sayaw-interpretasyon sa saliw ng Himno ng Naic. Isang patunay ito ng kanilang talento at pagmamahal sa sariling bayan.
Isang makabuluhang pagtitipon na hindi lamang muling nagpapaalala ng ating dangal bilang Pilipino, kundi higit ding nagpapatibay ng pagkakaisa at malasakit ng bawat Naicqueño tungo sa mas progresibong bayan ng Naic.



