Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa blessing ceremony at ribbon cutting ceremony ng bagong school building sa Muzon Elementary School.
Isang mahalagang dagdag ang bagong pasilidad para sa mas maayos na learning environment ng mga mag-aaral at guro. Patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga hakbang para sa mas maayos na mga paaralan at kinabukasan ng mga kabataang Naicqueño.



