Ang Gender and Development Unit sa pakikipagtulungan sa Municipal Health Office (MHO) ay magsasagawa ng influenza vaccination para sa mga kwalipikadong kababaihan sa Bayan ng Naic.

Iskedyul at Lugar

Petsa Oras Lugar
Martes, Setyembre 15, 2026 8:30 AM – 11:30 AM Naic Covered Court

Available Slots

  • 100 Kababaihang Persons with Disabilities (PWDs), anumang edad
  • 100 Kababaihang Senior Citizens

First come, first served basis.

Mahalagang Paalala

Ang mga nakalaang slots ay pangunahing para sa mga kababaihang PWD at Senior Citizen na HINDI PA NAKATANGGAP ng influenza vaccine.

Ang mga nakatanggap na ng influenza vaccination noong Hunyo 2026 o Setyembre 1, 2026 ay hindi na hinihikayat na muling magpabakuna sa aktibidad na ito.

Protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad. Magpabakuna at manatiling ligtas laban sa influenza!