Pormal nang isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong 8-Classroom School Building sa Centro de Naic National High School nitong February 6, 2026.

Pamumuno at donasyon

Sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang at sa pamamagitan ng donasyon ng Feed The Hungry Inc., inilatag na ang pundasyon ng gusaling magsisilbing bagong tahanan ng karunungan para sa ating mga mag-aaral na Naicqueño.

Ang bawat semento at bakal na ilalagay dito ay simbolo ng ating pagkakaisa upang itaguyod ang pangarap ng bawat Batang Naicqueño. Patuloy ang ating lokal na pamahalaan ng Bayan ng Naic sa pagpapatibay ng mga pundasyon ng edukasyon sa ating bayan ng Naic.