Naganap ang Barangay Serbisyo Day ngayong February 20 sa Covered Court ng Brgy. Bancaan sa pangunguna ng PESO Naic at sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang.

Sa pamamagitan ng programang ito, matagumpay na nailapit sa ating mga kababayang Naicqueño ang mga serbisyo mula sa OWWA, PSA, MCR, PAG-IBIG Fund, DMW, SSS, at PHILHEALTH. Layunin ng inisyatibong ito na gawing mas mabilis, maayos, at accessible ang mga transaksyong pampamahalaan para sa bawat residente ng Bayan ng Naic.