Livestock and Poultry Farmers Registration 2026

Matagumpay na isinagawa ang Livestock and Poultry Farmers Registration nitong February 19 sa mga barangay hall ng Palangue 2 at 3 para sa ating mga kababayang nag-aalaga ng hayop sa Bayan ng Naic.

Sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, ang rehistrasyong ito ay mahalagang hakbang upang magkaroon ng opisyal na talaan ang ating mga farmers na magsisilbing susi sa pag-access ng mga subsidiya, insurance, at iba pang programang pang-agrikultura mula sa gobyerno.

Sa pamamagitan ng pagiging rehistrado, masisiguro ng bawat Naicqueño na mapoprotektahan ang kanilang kabuhayan at mas mapapadali ang pagpapaabot ng mga serbisyong teknikal at pangkalusugan para sa kanilang mga alagang hayop.