Naganap ang Oral-Heart Month Celebration – Couple's Day sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang at sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO) Naic noong February 12 sa Pasinaya West, Brgy. Sabang, at noong February 16 sa Malainen Luma Covered Court.

Naghatid ang programa ng libreng oral prophylaxis, VDRL/HIV screening, at health orientation sa Brgy. Sabang, habang dental check-up, screening, at orientation naman ang ibinigay sa Malainen Luma kasama ang mga games at prizes para sa mga buntis at kanilang mga partner. Layunin ng mga aktibidad na ito na ilapit ang mga serbisyong medikal at dental sa bawat barangay upang masiguro ang kalusugan ng mga pamilyang Naicqueño.