Isinagawa ang Basic Life Support (BLS) Training noong Biyernes, Pebrero 20, 2026, sa Torres Farm Resort sa pangunguna ng OMDRRMO para sa huling araw ng nasabing programa.
Ang pagsasanay na ito ay naglalayong mas mapatalas ang kakayahan ng ating mga katuwang sa serbisyo sa tamang pagtugon at pagsagip ng buhay sa ating Bayan ng Naic.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas pinatitibay natin ang kahandaan ng bawat kalahok upang masigurong ligtas at protektado ang ating mga kababayang Naicqueño sa anumang oras ng sakuna o emergency. Ang ganitong mga inisyatiba ay mahalagang bahagi ng pagtataguyod ng isang bayan na laging handa at may sapat na kasanayan sa paglilingkod.



