Patuloy ang pagpapatibay ng kahandaan ng Bayan ng Naic sa pamamagitan ng Basic Life Support (BLS) Training na isinagawa nitong Pebrero 20, 2026 sa Torres Farm Resort, Barangay Sabang, sa pangunguna ng Office of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (OMDRRMO).

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas pinapalakas ang kakayahan ng mga katuwang sa serbisyo sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan. Bawat aral at aktuwal na pagsasanay ay hakbang tungo sa mas ligtas at mas handang Bayan ng Naic para sa bawat Naicqueño.