Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang pamamahagi ng Localized Social Pension ngayong Lunes, Pebrero 23, 2026, sa Barangay Ibayo Silangan, Bayan ng Naic, Cavite. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Naic upang magbigay ng karagdagang suporta sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan ng Naic.

Layunin ng programa

Sa pamamagitan ng Localized Social Pension, nabibigyan ng karagdagang tulong ang ating mga kababayan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na ang mga higit na nangangailangan ng pagkalinga. Patunay ito ng patuloy na malasakit at konkretong pagkilos ng Pamahalaang Bayan ng Naic para sa bawat Naicqueño.

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga programang panlipunan upang masiguro na ang serbisyo ay umaabot sa bawat barangay ng Bayan ng Naic.