Naganap ang Flag Raising Ceremony ngayong February 23, 2026 sa Naic Municipal Hall, sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang at pinangunahan ng mga kawani mula sa Brgy. Captain C. Nazareno. Kinilala ang mga nagwagi sa CRVS Dance Competition kung saan itinanghal na kampeon ang Centro de Naic National High School Dance Team. Inanunsyo rin ang mga nanalo sa CRVS Poster Making Contest bilang bahagi ng patuloy na pagpapalaganap ng kahalagahan ng Civil Registration and Vital Statistics.

Nagbigay-sigla sa programa ang makulay na performance ng Cheer Chant Champion ng Pawikan Festival mula sa Naic Coastal.

Dumalo rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Nagpaabot ng pagbati si Konsehal Raymond Senia ng isang mapagpalang araw sa lahat ng naroroon.