Naganap ang Burial and Medical Assistance Distribution sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng daloy ng pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo.

Layunin ng programang ito na makapagbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga pamilyang dumaranas ng pagdadalamhati, bilang bahagi ng patuloy na malasakit at serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic.