Naganap ang pamamahagi ng school chairs sa mga paaralan sa bayan ng Naic bilang bahagi ng tuloy-tuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic para sa sektor ng edukasyon.

Nitong June 23, 2026, personal na binisita ni Mayor Rommel Magbitang ang mga sumusunod na paaralan upang pangunahan ang pamamahagi ng mga armchairs para sa ating mga mag-aaral:

  • Naic Coastal National High School
  • Ciudad Nuevo de Naic National High School

Isang simpleng hakbang na naglalayong magbigay ng mas komportableng kapaligiran sa pag-aaral ng mga kabataang Naicqueño.