Matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarterly HIV/AIDS Council Meeting sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang sa ABC Hall noong Martes, Hunyo 23, 2026.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin, programa, at inisyatiba na naglalayong mapalakas ang kampanya laban sa HIV/AIDS at maisulong ang kalusugan at kapakanan ng bawat Naicqueño sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon at pagtutulungan ng iba't ibang sektor sa bayan ng Naic.



