Isinagawa ngayong Hulyo 1, 2026, sa Daluyan Community Center ang Capability Enhancement Seminar para sa mga miyembro ng Barangay Peace and Order Committees (BPOCs), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at Barangay Intelligence Networks (BIN), sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang bilang Guest of Honor.
Layunin ng seminar na higit pang palakasin ang kakayahan ng ating mga barangay frontliners sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa Bayan ng Naic.



