Naganap ngayong Huwebes ang pagbisita nina Congressman Patrick Michael "PM" Vargas, kinatawan ng 5th District ng Quezon City, at Hon. Alfred Vargas sa Bayan ng Naic.

Personal na binisita nina Mayor Rommel Magitang ang mga pamilyang relocatees ng Quezon City sa Parkstone Estates, Naic, Cavite. Nag-handog din sila ng mga Food Packs sa mga nasabing relocatees.

Patuloy na pinahahalagahan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga inisyatibong nagpapalakas ng pagtutulungan at malasakit para sa kapakanan ng bawat Naicqueño.