National Social Pension Distribution para sa mga Senior Citizens

Naganap ngayong Huwebes, Hulyo 2, 2026, ang Social Pension Distribution sa Naic Town Plaza para sa mga senior citizen ng Bayan ng Naic.

Muling binisita ni Mayor Rommel Magbitang ang ating mga lolo at lola upang personal na makiisa sa programa at tiyaking maayos ang pamamahagi ng tulong para sa ating mga benepisyaryo.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsuporta sa kapakanan ng ating mga senior citizen sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng nararapat na serbisyo at pagkalinga.