Mas pinalawak ang kaalaman at kahandaan ng ating mga Force Multipliers sa pamamagitan ng 2-Day Capability Enhancement Seminar on Community Service Oriented Policing System (CSOPS) na isinagawa noong July 9, 2026 sa Tanza Oasis Hotel and Resort.
Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang bilang Guest of Honor sa programa bilang pagpapakita ng suporta sa mga inisyatibong nagtataguyod ng mas ligtas at mas maayos na Bayan ng Naic.
Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang nagpapalakas sa kapayapaan at seguridad ng bawat Naicqueño.



