Suspensiyon ng klase

Dahil sa Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Typhoon Inday, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribadong paaralan, sa Bayan ng Naic bukas, Biyernes, July 10, 2026.

Bagamat walang klase, inaabisuhan ang mga paaralan sa bayan ng Naic na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 022, s. 2024. Mag-shift sa modular distance learning upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng mga mag-aaral.

Paalala sa mga kabataan

Gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

Paalala sa mga NaicqueΓ±o

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang mga alagang hayop sa bahay na ilikas kung kailangan.

Emergency hotlines

  • MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
  • PNP Hotline: 0998-598-5621
  • BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753