Isinagawa ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang ang pagsuporta sa pagpapalakas ng kapabilidad ng Naic PNP sa pagkakaroon ng drone technology bilang karagdagang kagamitan sa pagpapaigting ng monitoring at mabilis na pagtugon sa iba't ibang sitwasyon.

Isa itong hakbang tungo sa mas mahusay at mas episyenteng serbisyo para sa bawat Naicqueño.