Matagumpay na naisagawa ang Local Health Board Meeting sa pangunguna ng ating butihing Yorme Rommel Magbitang. Kasama rin sina Municipal Admin Atty. Rodolfo Uy bilang Chairperson at Dra. Ma. Carolina Matel bilang Vice Chairperson, na kapwa aktibong tumalakay sa mga mahahalagang isyu ukol sa mga serbisyong pangkalusugan para sa mamamayang Naicqueño. Nitong Martes, Oktubre 7, 2025, sa Triple 8, Sabang.
Dinaluhan rin ito ng mga miyembro ng konseho, kabilang Municipal Budget Officer na si Mrs. Ann-Ann Galore Ayson, na nagbahagi ng mahahalagang pananaw ukol sa usaping pondo para sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.
Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang pagtalakay tungo sa mas maayos na pagpapatupad ng mga serbisyong pangkalusugan sa buong Bayan ng Naic.



