Cheer Chant Competition

Puno ng sigla at saya ang Naic Covered Court nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, sa ginanap na Cheer Chant Competition bilang bahagi ng Pawikan Festival. Tampok ang talento, galing, at dedikasyon ng mga batang Naicqueño mula sa iba't ibang paaralan, na sabay-sabay nagpakitang-gilas sa makukulay at masiglang performances.

Suporta ng mga opisyal

Nakiisa rin sina Mayor Rommel Magbitang at Congresswoman Aniela Tolentino sa kasiyahan at nagbigay suporta sa mga batang kalahok. Ang bawat cheer, bawat indak, at bawat sigaw ay sumasalamin sa enerhiya, pagkakaisa, at pagmamalasakit ng ating kabataan.

Ipinapakita ng mga batang Naicqueño na sa simpleng pagpapahayag ng talento, naipapamalas natin ang diwa ng Pawikan Festival at ng Bayan ng Naic: pagkakaisa, sigla, at pagmamalasakit sa komunidad at kalikasan.