Masigla at umaapaw ang enerhiya sa Naic Town Plaza nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, sa ginanap na Pawikan Zumba program. Sama-sama ang mga Naicqueño sa paggalaw at saya, bilang pagpapakita ng suporta sa aktibong pamumuhay at sa adbokasiya ng pangangalaga sa ating mga pawikan.
Nakiisa rin sina Mayor Rommel Magbitang at BM Eimeren Nazareno sa kasiyahan, kasama ng mga Naicqueño, bilang pagpapakita ng suporta sa bawat hakbang ng Bayan ng Naic para sa komunidad at kalikasan. Ang bawat tawa, bawat sayaw, at bawat kulay na bumalot sa plaza ay sumasalamin sa pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal ng Bayan ng Naic sa ating kapaligiran.
Isang paalala na sa Bayan ng Naic, bawat kilos, kahit sa simpleng pakikilahok, ay may kahalagahan at nag-aambag sa mas makabuluhang komunidad at mas maayos na kalikasan.
Hashtags:



