Humigit-kumulang 2,000 kalahok ang nakiisa sa ginanap na Pawikan Color Run, na nagbigay-kulay at sigla sa ating bayan ng Naic. Sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang, ipinakita ng mga Naicqueño ang kanilang suporta hindi lamang sa aktibong pamumuhay kundi pati sa adbokasiya ng pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa ating mga pawikan. Nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, sa Naic Town Plaza.
Kasama rin sa kasiyahan si Board Member Eimeren Nazareno, na nakilahok at tumakbo sa event bilang isa sa mga tumakbo.
Patunay ito na kapag nagkakaisa ang Bayan ng Naic, mas nagiging makabuluhan ang bawat hakbang para sa komunidad at kalikasan.



