Matagumpay na natapos ang Exit Conference sa pagitan ng ating Lokal na Pamahalaan at ng Commission on Audit (COA) nitong Miyerkules, Abril 29, 2026, sa Triple 8 Bldg. Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, tinalakay sa pagpupulong na ito ang tamang paggamit ng budget ng Naic nitong taong 2025. Layunin nito na masiguradong bawat piso ay nagamit nang wasto at tapat para sa mga proyekto at serbisyo sa ating bayan ng Naic.

Patunay ito na ang ating lokal na pamahalaang bayan ng Naic ay sumusunod sa batas at laging handang maglingkod nang may katapatan.