Ruta ng Sunduan

  • Naic Municipal Hall Grounds
  • Ibayo Silangan
  • P. Poblete Street
  • Naic Town Plaza
  • Rizal Street
  • Burgos Street
  • Capt. C. Nazareno Street
  • Pabalik sa Naic Town Plaza

Paalala

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na maglaan ng karagdagang oras sa pagbiyahe, magmaneho nang may ibayong pag-iingat, at sundin ang mga traffic enforcers na mangangasiwa sa stop-and-go traffic flow sa buong aktibidad.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 235th Naic Founding Anniversary at Sunduan Festival 2026, inaabisuhan ang lahat ng motorista at mamamayang Naicqueño na asahan ang pansamantalang pagbagal ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada ngayong April 30, 2026 (4:00 PM) dahil sa isasagawang festival procession.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa habang sama-sama nating ipinagdiriwang ang mayamang kultura at kasaysayan ng ating bayan ng Naic.