Naganap ang Job Fair 2026: Trabaho for Every Naicqueño sa Waltermart Naic, Barangay Sabang, kung saan maraming Naicqueño ang nagkaroon ng pagkakataong makahanap ng iba't ibang oportunidad sa trabaho mula sa mga kumpanyang nakiisa sa programa.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo, mas napapalapit ang mga oportunidad sa hanapbuhay para sa bawat Naicqueño at mas nabibigyan ng daan ang pagbuo ng matatag na kinabukasan para sa bayan ng Naic. Patuloy ang pagsuporta sa mga programang nagbubukas ng mas maraming pagkakataon para sa ating komunidad.