Ipinababatid sa lahat na bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng taunang Sunduan Festival, magkakaroon ng half-day suspension of work sa lahat ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic simula 1:00 PM, Huwebes, Abril 30, 2026.

Regular na operasyon

Ang regular na operasyon ay muling magpapatuloy sa susunod na business day, maliban kung may iba pang abiso.

Mga tanggapang mananatiling bukas

Mananatiling bukas at operational ang mga tanggapang may kinalaman sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagseserbisyo sa publiko, kabilang ang:

  • Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
  • Naic PNP
  • Naic BFP
  • Municipal Health Office (MHO)
  • Municipal Jail
  • NTMO
  • Bantay Dagat

Ang work arrangement ng mga nasabing tanggapan ay nakasalalay sa pagpapasya ng kani-kanilang department o unit heads upang matiyak na walang maaantala sa mga pangunahing serbisyo.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagdiriwang ng ating kultura at tradisyon ngayong Sunduan Festival 2026.